Ayon kay Senator Sonny Angara, natalakay sa naturang casual gathering ang maraming bagay, kabilang ang usapin sa death penalty. Sinabi ni Angara na nabanggit ni Pangulong Duterte na dapat umanong ibalik ang parusang kamatayan lalo na sa mga drug trafficker. Noon pa man, hayagang ikinakampanya ni Presidente Duterte ang death penalty sa pamamagitan ng pagbigti sa convicted criminals, sa halip na patayin via lethal injection.Bukod kay Angara, ang iba pang nasa pulong ay sina Senator Alan Peter Cayetano, CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, Palawan Rep. Franz Josef Alvarez, Masbate Rep. Scott Davies Lanete, at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.
Source: newsportal-ph.blogspot.com
Share this story!
Visit and follow our website: Trending News Global
© Trending News Global
0 comments:
Post a Comment