Thursday, July 14, 2016

Inatasan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga tanggapan nito sa mga rehiyon na agad imbestigahan ang mga insidente ng posibleng enforced disappearance o extra-judicial killings sa kanilang nasasakupan. Ito'y sa harap ng dumaraming insidente ng mga napapatay na hinihinalang drug pusher simula noong Mayo.

ADVERTISEMENT





Sa panayam ng DZMM, idiniin ni CHR chairperson Chito Gascon na mandato ng kanilang tanggapan na tiyaking walang pag-abuso sa kapangyarihan ang mga awtoridad gaya ng mga pulis. "Kung ang mga may awtoridad ay lumalabag na mismo ng karapatang pantao, siguro sa simula, mga salarin ang naaapektuhan nito. Pero sino po ang makakapagpagtigil sa kanila kung hindi na po mga salarin -- mga inosente na po -- ang nilalabag ang mga karapatan," katwiran ni Gascon.
Idinagdag niya na naiintindihan ng CHR ang pagnanais ng publiko na mapanagot ang mga lumalabag sa batas, ngunit anumang parusa ay dapat anyang naaayon sa batas.
"Nauunawaan naman natin na ang hangarin ng tao ay magkaroon ng hustisya na ang mga salarin ay makulong at mapigil pero dapat ginagawa natin ito lagi sa isang paraan na sang-ayon sa batas sapagkat kung ang mga tao ng batas ang magsho-shortcut ay mangyayari ang pang-aabuso," ani Gascon.
Hinikayat ni Gascon ang publiko na makipagtulungan sa CHR at iulat ang anumang posibleng iregularidad sa mga operasyon ng mga awtoridad.

SPONSOR





Source: newsportal-ph


Share this story!

Visit and follow our website: Trending News Global

© Trending News Global

0 comments:

Post a Comment

Unordered List

Sample Text

Blog Archive

Blog Archive

Popular Posts

Text Widget