MANILA, Philippines — Matapos maging laman ng iba’t ibang balita ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay United States President Barack Obama, marami ang nagsabing sumama ang imahe niya sa international community. Sa kabila nito ay walang pakialam si Duterte sa sasabihin ng iba. "Sabi na my reputation is bad, I said I don't give a shit. I am the president of the Republic of the Philippines, not the republic of the international community. You can all go to hell. I will do what I think is best for my country to the best interest of the Filipino," wika ni sa mga Pilipino sa Indonesia. Nilinaw din niya na hindi niya minura si Obama tulad ng ibinalita ng international media. "Yung 'putang ina' sa atin... We would have said 'son of a bitch,' 'son of a gun' or 'fuck you' pero it is not translated in any ordinary day... as son of a whore. Pero ginamit nila yan siguro, si (Obama) took offense," paliwanag niya. Matapos itong maibalita ay kinansela ni Obama ang bilateral meeting nila ni Duterte sa Laos. Kalaunan naman ay nagpakumbaba si Duterte dahilan upang matuloy ito ngunit sa ibang petsa na. "A 'whore' is a very terrible thing to hear. I was talking all along in the dialect. It is not son of a whore. There's never a translation for that," sabi ni Duterte. Samantala, sinabi ni Obama na hindi niya pinersonal ang pahayag ni Duterte dahil aniya’y tila ganoon ang pamamaraan ng pananalita ng Pinoy president. "I don’t take these comments personally, because it seems as if this is a phrase he's used repeatedly, including directed at the Pope and others, and so I think it seems to be just a habit, a way of speaking for him," sabi ni Obama sa press briefing matapos ang Association of Southeast Asian Nations summit.
Friday, September 9, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment