Dadagdagan pa ang bilang ng senior citizens na makikinabang sa mga pensiyon na ipinagkakaloob ng pamahalaan bunga na rin ng pinataas pang alokasyon ng pondo nito sa papasok na taon. Sa pagsisiwalat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, madadagdagan ang pondo para sa senior citizens sa susunod na taon kaya mas marami rin ang makikinabang sa programang ito.
“Funding for the DSWD-run Social Pension for Indigent Senior Citizens Program will increase from the current P5.96 billion to P7.51 billion next year,” pagbubunyag ni Recto. "The proposal that we received is that all indigent seniors 60 years old and above will be covered by the proposed allocation.” Sa bilang ng mambabatas, nasa 250 libong lolo at lola ang mabibiyayaan ng benepisyong niluluto nila
Sa ilalim ng umiiral na sistema, ang bawat isang deklaradong senior citizen na nakapagproseso ng mga sistemang dapat na pagdaanan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay makakatanggap ng P6 libong pension kada taon. “The proposal that we received is that all indigent seniors, 60 years old and above, will be covered by the proposed allocation,” dagdag pa ng mambabatas. "Ito 'yung hindi lang may edad na, may sakit pa o kapansanan, walang trabaho, walang maykayang kamag-anak na kumukupkop at walang ibang pensyong natatanggap. These are people in extremely difficult circumstances.”
Source: old.abante.com.ph
Share this story!
Visit and follow our website: Trending News Global
© Trending News Global
tatay ko na 74 years old na hindi pa rin nakatikim ng ganyang programa sa DSWD. Yong iba na nakakaangat sa buhay nakatanggap na...mahirap pag wala kang connection sa gobyerno hindi man lang nabigyan ng pansin...
ReplyDeleteMama kp hanggang ngayon d pa rin nakakatanggap ng pensin. Sabi ng CSWD at kulang wala pa daw pondo at marami pa daw nakapila thinking that she is already 79 years old. Nag apply sya last november 2015.
ReplyDeletesana lang po wala naman pili na din...like my mom 69 na sya...kahit me inuuwian sya na bahay na sarili wala na naman sya sariling kabuhayan,inaasahan lang nya ang nakukuha nyang pension sa SSS...at konting naitutulong ng mga anak...kasi para naman sa kanila yon...bakit kailangan salain...pantay pantay lang sana ang mga senior na mai enjoy nila ang para sa kanila
ReplyDelete